Tuesday, January 22, 2019

ADVENTURE TIME MUNA


Araw ng pasko wala kaming masyadong plano kung ano gagawin namin kasi kakatapos lang naming magsimba. At syempre habang bumabyahe nag-iisip kami kung saan kami pupunta. And at the end sa Silang,Cavite ang bagsak namin, nakapunta kami sa isang restaurant na tinatawag na Balingsasayaw. Sobrang welcoming yung mga staff pagpasok na pagpasok namin pinayungan kami agad kasi naulan nung mga panahong yun. Sobrang ganda talaga guys as in kasi mabundok siya na punong-puno ng mga bulaklak. Syempre sa sobrang ganda ng tanawin nagpicture taking dito, doon pati sa mga pagkain.
 Isa sa mga hindi ko malilimutan sa lugar na iyo ay ang pagkain nika. Mayroon silang kanin na tinatawag na pineapple rice kasi yung rice nila may margarin tsaka some pieces of pineapple, sobrang sarap nitong kanin na to super. At hindi mo aakalaing yung kanin ay nakalagay sa kalahating biyak ng pinya at hindi sa plato guys. Sobrang maganda ang lugar na ito at pati na rin sa mga foods nila na kay sarap, kaya't try nyo din minsan dumaan dito.
Angkop ang lugar na ito para sa mga mahilig kumain at magpicture-picture na ang background ay nature. Para sa lahat ito mga magkasintahan, magkaibigan, at magpamilya, so it’s better to visit there and see how beautiful it is. Kung may oras ka, ikaw na nagbabasa nito ay puntahan mo na sobrang relaxing ang madarama mo dito at muling mabibighani ang puso mo sa ganda ng gawa ng ating Maylalang.

No comments:

Post a Comment

ADVENTURE TIME MUNA

Araw ng pasko wala kaming masyadong plano kung ano gagawin namin kasi kakatapos lang naming magsimba. At syempre habang bumabyahe nag-iisi...